Friday, December 14, 2007

- napansin ko lang -

- napansin ko lang -

meron akong halaman noon na namumulaklak nglavender na flowers... pamana ng isang mahalagangkaibigan na pumunta sa malayo...kung hindi ko siguro nasobrahan ng fertilizer,baka buhay pa yun ngayon...malas talaga.

-o0o-

-(1)-napansin ko lang...may mga taong parang bulaklak...naghihintay lang na pitasin.pagkatapos siyang mapitas, pagaari na siyang pumitas sa kanya - maliban na nga lang kungpababayaan, iiwan, o itatapon...kung pahahalagahan mo siya at iiipit sa paboritomong libro, mananatili siya - kumupas man lahat ngbango at kulay niya, iyo parin siya... yours alone.

-(2)-ang ibang tao, parang paruparo...meron silang mga 'paboritong'{paborito daw} bulaklakna dinadapuan, pero sa isang hindi malamangkadahilanan, palagi naman silang lumilipad papalayo.(*)pupunta sa rose, then aalis, pupunta sa santan,then aalis, pupunta sa gumamela, then aalis...parang hindi nila kayang manatili sa 'paborito'nilang bulaklak... {bakit kaya?}

-(3)-ang ibang tao parang langgam, gumagapang-gapangsa buhay mo na parang okay lang ang lahat.minsan, nagugustuhan mo pa nga ang kiliti...tapos bigla ka na lang nilang kakagatin. dapat sila tirisin. tulad ng langgam, di pinagsisisihan ang pagkawala nila... ang totoo, ipinagpapasalamat pa nga dapat.

-(4)-ang ibang tao parang garapata - nagdadala ng sakit.minsan, di sila napapansin. mahirap sila tanggalin.makapit sila. mahigpit kung kumagat sa balat. masakit sila kung tanggalin, dahil nasusugatan tayopagkatanggal nila... parang naging bahagi na sila ng balatnatin... pero dahil nagdadala ng sakit, alam nating dapat sila tanggalin.pagkatapos natin silang matanggal, at nagkasugat na tayo,nagiiwan sila ng marka - isang palatandaan na minsan sa buhay natin, kinapitan tayo ng garapata...

-(5)-ang ibang tao, parang sponge - hindi magbibigay kunghindi mo pipigain. hindi naman kelangan na pilitin sila.minsan, mapipiga mo sila kung alam mo ang gustoo kailangan nila, o ang susi ng kanilang mga puso na tilanakakandado. pagkatapos mong malaman ang susi sa pusonila, hindi na sila titigil sa kabibigay hanggang sa tuluyan nasilang matuyo, o maubusan...

_mga napansin ko na di ko dapat napansin_

- mga batang hubad na nagtatakbuhan sa harap ng skul namin- mga hubad na bata sa plaza ng minglanilla na naliligo sa ulan- mga inosenteng bata na may mga matang mulat na sa hirap at lupit ng buhay... mga matang humihingi ng katarungan at karapatan... sipon na walangtigil na dumadaloy mula sa ilong nila. mga mukhang tila pinahiran ng uling...- mapait na katotohanang pilit tinatakpan ng mga makukulay na alaala- katotohanang nakatago sa likod ng mga mukhang kupas- mga bagong mukha na dati ay kilala ko, pero di na ngayon...

-o0o-

(*)ano ba ang sukatan kung talagang mahal ng isanglalaki ang isang babae?-pag mainit at mahigpit yumakap? [tsktsktsk... landi ko talaga]-pag palaging nagsasabi ng i love u? [eEwW! disillusioned pagkatapos]-pag palaging nanlilibre ng snack o pamasahe? [may bigla akong naalala]-pag palaging nagbibigay ng flowers, chocolates, at stuffed toys? [may naalala ulit ako]-pag palaging kumikiss? o pag feel na feel ang kiss? [yucks ko talaga]-pag tinutulungan sa paggawa ng projects? [may naalala ulit ako... anak ng...]-pag palaging tinutulungan sa mga assignments?-pag tinuturuan everytime may test? [hahaaaayyy...]-pag magaling manlambing o mangiliti? [di ako marunong mangiliti]-pag palaging nagtetext ng gud nyt, at gud morning? T_T [sob...sob...]-pag palaging nagbibigay ng comment sa friendster? [minsan naglalakad ako pauwi paralang matapos ang mga comments na ang tagal bago ko matapos pagisipan]
(*) alam nyo ba?{malay ko. di ako expert.}[ewan](*) mga bobo.

-o0o-

- ecclesiastes part 5 [time] -

'there is a time for everything,and a season for every activity under heaven;a time to weep and a time to laugh,a time to mourn and a time to dance,a time to embrace and a time to refrain,a time to search and a time to give up,a time to keep and a time to throw away...
(*)naaalala ko pa ang hapong iyon... medyo madilim na anglangit... naglalaro ang mga kapitbahay namin ng family computer.masaya ang paligid... nilamon na sila ng mga makulay na tauhan sa laro, tunog ng mga halakhak, kantyaw, at tugtog mula sa computer game... puro na lang sila tawa.nasa kalagitnan na sila ng round three, nang biglang may umalingawngaw na mga sigawan. meron bang umiiyak?ewan. mga takot na tinig at tila ba nawawala na sa sarili...nagtakbuhan sila palabas ng bahay.
humarurot sa takbo ang isa kong kaibiganat niyakap ang ama niyang halos maprito na sa init ng kuryentengdumadaloy sa kanyang katawan... sinong mag-aakala na sasayadsa isang kable ng kuryente ang panungkit na gamit niya?itinakbo siya sa ospital. ang anak niya, baka daw mabaog dahil salakas ng kuryente... main line pala ang nasungkit niya.di ko na maalala kung nasaan ako nang mangyari yun... {baka natutulog na naman...}basta malungkot ang nakita ko pagkatapos... mga kaanak na humahagulgol sa sobrangpagluluksa... mga mukhang bakas na bakas ang pagod,lungkot, takot, at pagkabalisa... ang iba, nalilito pa yata sa mga nangyari... ang iba, wala sa sarili at parang namatayanna ng mga kaluluwa... mabait ang taong yun... di ko lubos akalain.tawanan noong hapon... mga daing at iyak pagdating ng gabi.
ang punong malapit sa poste ng kuryente, matagal nang wala.una ay itinumba ng bagyo... pagkatapos, lahat ng natira nyapang bahagi na nakabaon sa lupa, inubos ng mga anay.ngayon wala na ang puno. ang alaala ng namatay, unti untina ring nauupos... malapit na.
maiksi lang ang buhay... hindi 70 yrs.hindi 60. hindi 50... sa totoo lang di ko alam.pero habang nagtatype ako ngayon, pwede akong bumagsakna lang bigla, at lahat ng gusto kong sabihin, lulubog kasama kosa madilim na kawalan. lahat ng sikretong alam ko, kasama kongmababaon sa lupa... lahat ng pangarap, lahat ng naggawa ko,lahat ng alaala, ang damdamin ko... ano na? paano na?[para sa mga kaibigan ko, alam nyo kung gaano kayo kahalagasa akin... isipin nyo lang ang mga binuo nating alaala, kungpaano ako tumawa, kung paano nyo ako napasaya, kungpaano ko kayo pinangiti, kung paano tayo nagbigayan...sa mga magulang ko, salamat sa pagpapalaki sa isangkatulad ko na puro lang naman talaga sakit sa ulo... sa mgakakilala ko, salamat sa panahon at masaya ako na naging bahagi kang maikli kong buhay...]example lang yun...wala naman akong sakit na nakamamatay, kaya ok lang tayo...kung may ALD ako, sasabihin ko yan sa personal bago ako tuluyangmaging pipi, bulag, o bingi... kung may cancer ako, sasabihin koyan bago ako makalbo... hahahaha!!!hahaaayyy... buhay. dapat alam mo kung anong oras na...alas-kapit pa ba, o alas-bitaw na... alas-meron pa, o alas-wala na.

-o0o-

================================================

- ecclesiastes part 6 [fear] -

'enjoy life...
ang life dapat inienjoy.alam ko kung paano ko gusto ienjoy ang buhay ko...paano mo gusto ienjoy ang buhay mo?pera? katanyagan? {magartista ka na lang}
napansin ko lang, ang life puno ng choices...puno ng yes or no... yes or no, at yes or no.
nabigyan ka ng ticket papunta sa isang di mo alam na lugar.pupunta ka ba dun o hindi? palagi kong nasasalubong angtanong na to... sa totoo lang mahirap talaga tong sagutin...ang bagong lugar, walang kasigurohan... pwedeng pangit,pero pwede ring mas maganda sa kinalalagyan mo ngayon...dapat lang siguro nating siguruhin na pagpunta natin dun, aydi tayo maliligaw... at kung maligaw man tayo, ay siguruhindin nating magagawa pa nating bumalik... dapat din natingsiguruhin na pagbalik natin, meron pa tayong babalikan.nasubukan ko nang umuwi, pero wala nang naabutan...[ang tahanan kong wala nang laman...]tanging mga awit na lang mula sa kahapon ang pwede kongialay sa mga alaala ng tahanan kong di ko na mababalikan.sa totoo lang, ito ang pinakakinatatakutan ko sa lahat...
-o0o-
uhaw ka sa pagtingin ng iba... gusto mong tingalain.gusto mong magkaroon ng maipagmamayabang sa kanila... gustomong umangat sa kanila... nakakakita ka ng panandaliang ligayasa mata ng mga taong nagpipiyesta sa katawan mong sumasabaysa makamundong tugtugin... sumasabay ka sa nakakabinging tunog.halos mabulag ka ng napakaliwanag na ilaw na nakasentro sayo...
isang araw, habang sumasayaw ka, biglangdidilim ang center stage... dahan-dahang kukupas ang tunog ngpalakpakan... ang hiyawan ng audience, lalamunin ng katahimikan atkadilimang di mo matatakasan... isaisang maglalaho ang mgataong dati ay nakatutok sa iyo ng buong paghanga, inggit, opagnanasa... mapapatigil ka sa sobrang pagod. nasan na ang lahat?
sa audience, makikita mong iilan na lang ang nakatingin sayo.malungkot na mga mata - ang iba, luhaan.wala ka bang nakalimutan?wala ka bang naiwala?nagawa mo bang pag-ingatan ang mga bagay na mahalaga sayo?wala ka bang hindi napansin?
narinig mo ba ang mahina nilang tinig? o puro lang ingay ngtugtog ang narinig mo? napatay ba ng maiingay na tugtugin ang bosesnila? ang mga walangkwentang bagay at hangarin...mga makamundong ambisyon... kaakitakit na mga pangako ngisang pabagubagong mundo... naniniwala ka ba sa kanila?sabi nga ni emilio jacinto,'let us seek light and not be seduced by glitters...
takot din ako dito... maswerte ako ngayon dahil di pa tumitigilang maingay na tugtog... pag tumigil ba ako ngayon, may nanonood ba?ikaw? sumasayaw ka din ba ngayon? may mga bagay ka ba nanapabayaan na ngayon ay naglaho na?
-o0o-
mga multong bumabalik mula sa kahapong matagal ko nang nilibing.so much to fight, so little to fight with...

- ecclesiastes part 4 [unfair] -

'for with much knowledge comes much sorrow;the more knowldedge, the more grief...of making many books there is no end,and much study wearies the flesh...
(*)hahaha!knsay tapulan mobuhat ug project,tapulan magtuon, di mobuhat ug assignment,ug di ganahan moeskwela parehas nakoO0o?'!?hahaha!!! samok ra na sa akong kinabuhi. kung wa ta na high-tech karon, wa na tay bayranan sa kuryente ugtubig... ang sapa di mahugaw... ang minglanilla,puros ra sagbutan. daghan ug kanding magdagan2.daghan ug baka nga magsige ug mooooo... di komanginahanglan ug kwarta kay daghan ug itlog sa silongsa among balay nga presko hinimo sa kawayan... kung moadtoko sa talisay, mosakay ra ko ug kabayo. way radyo.way tv. magduwa ra tang tanan ug tubig2... mangatulog taug pwerteng sayoha... mangaon ta sa dahon sa saging.ang atong sud-an, kita ra ang moihaw... magkatag lang angbaboy sa pakigne!!!hahahaha!!!kapoy noh? pero nakasuway na ka ane nga kinabuhi?di ka magsige ug huna2 nga wa ka warta.di ka magsige huna2 sa project sa adchem ug sa english.di na ka magtuon. di na ka moskwela. bakasyon pirme...laag pirme... hahayyy... daghan ug lamok.bogo tang tanan... di ta makabalo nga lami diay ang tangent.di ta makabalo nga non-steroidal inflammatory drug diay angketoprofen (pwede pod na xa ihawon, tag 10 ra ang kilo ana)hahaaaayyy...bitaw... excuse ra ni xa para sa mga tapulan parehas nako... ayaw ug tuo ani...
-o0o-
'the race is not for the swift,or the battle for the strong...but time and chance happen to them all...
(*)life is unfair. nasubukan mo na bang gawin ang lahatng kaya mo para makamit ang isang bagay? nakuha mo baang gusto mo?ilang ulit ko na tong naggawa...palagi kong nakikita na ang ibang tao - kahit maramingkakulangan, kahit hindi kasindami ng naggawa tulad ko,kahit hindi kasing galing ko - ay mas nagiging successful sakin.tingnan mo ang mafia. mayaman sila kahit masasama.bakit mayaman si bill gates? bat sa dinamidami ng tao sa mundo,sya ang naging mastermind sa likod ng microsoft?mas matalino ba si gates kay einstein at newton? tingnan mo ang mga tao sa paligid... may mga taong sampuang syota habang ikaw halos magpakamatay na dahil sa isangdi mo makuhakuha... mas magaling ba sila magmahal?dahil ba mas mukha silang tao kaysa sayo?di ko alam... ewan. di ko rin alam...tatanungin ko SIYA pag nagkita kami.hahahaha!!!
-o0o-
==========================================

- ecclesiastes part 3 [joy] -

'A cord of three strands is not quickly broken...
(*)minsan ay narinig ko si papa -
'if you want to run faster, run alone.if you want to run longer, run with a group...
ang ganda, pero gusto ko rin sanang dugtungan...
'if you want the run to be meaningful, run for someone.if you want to run satisfied, run with someone...
ang kay papa - cooperation at unity. pagtutulungan.ang sa'kin - isang matibay na dahilan para mabuhayat isang dahilan para lumigaya...
naalala ko tuloy yung pinakalife-changing na lesson na natutunan ko mula sa isangnapakahalagang kaibigan. isang lessonna di ko kailanman malilimutan...
(direction: arrange in proper order)fame, finances, influence, education, relationships...
{unahin mo ang education. pangalawa ang finances.pangatlo ang influence. fourth ang fame. last ang relationships.}
bata pa ako nung itanong sakin ang tanong na to... nung bata pa kasi ako, palaaway lahatng bata sa amin. mahiyain ako sa mga babae. sa totoo lang, medyo huli na ako nagka-crush.(guess mo kung anong taon ko siya unang nakita...)
[ang totoo, ngayong high school lang ako nakapag-ipon ng tamang dami ng guts para makipagusap sa mga taong dati ay di ko nilalapitan kasi nga nahihiya ako...]
tama naman talaga ang sagot ko. para sa isang bata,ano ang halaga ng mga relationships?aanhin ko ang syotang gagastosan?aanhin ko ang maybahay na habangbuhay akong tatalakan at rarakrakan ng bungangang mala-armalite?aanhin ko ang mga kaibigan?sanay akong mag-isa nung kinder ako...hindi marunong magtago ng sikreto ang mga classmates konung elementary... hanggang ngayon, ganun pa rin sila.may mga bagay na kayangkaya nilang ipagkalat nang di silanaapektohan... ako hindi. pati mga katiting na sinasabi ko,kadalasan, ayokong sinasabi sa iba... kaya siguro isang kaibiganlang talaga ang importante sakin...
[bigyan mo ko ng isang kaibigan na mapagkakatiwalaan at hinding hindi ako ipagpapalit, at makikita mong kaya kong talikuran ang iba para sa kanya... di ko kailanganang madaming kaibigan{kakilala},ang kelangan ko totoo...]
[sa isang subdivision na puro mayayaman ang mga bata,sino ang aasahan kong makipaglaro o makipagkaibigan sa akin? wala akong computer, o remote-controlledna laruan, o robot, o matchbox, o gameboy...]
kailangan ko lang tapusin ang pag-aaral... grumaduate withhonors, makapag-trabaho, mag-abroad, make big bucksand save all my money til i get filthy rich! yun lang.yun ang pilit pinoprogram ng mundong to sa utak ng mgabata - pera lang ang lahat sa mundo... edukasyon...hindi nila sinasabi na maikli lang ang buhay para sayangin sa pagtupad ng mga pangarap na hindi naman magpapatawasa atin pag nasa ilalim na tayo ng lupa...pinapaniwala tayo ng mundo na kailangan nating magingpraktikal para mabuhay at maging masaya...sa totoo lang, importante para sakin ang pera, at everytimenapapaisip ako ng pera, bigas ang una kong naiisip bilhin...tumatawa nga palagi sakin si papa kasi lagi daw bigas anginiisip ko pag pera ang pinaguusapan... e ano ba dapat?
[e pagkain naman talaga ang gamit ng pera diba? ang peraay kailangan natin para mabuhay - hindi para maging maligaya.isang malaking BOO! para sa mga materialistic na tao.sila kadalasan ang mga pinakamabababaw na tao...ewan kung san umiikot ang buhay nila... ewan kung ano angmga prinsipyo nila...]
naniniwala ako sa fairytales... (mali ka!hindi ako naniniwalasa fairies, genies, at palakang nagiging tao pag hinalikan!)naniniwala ako sa wishes na natutupad, sa mga imposiblengbagay na biglang nagkakatotoo, sa true love, at sa happy ever after... bakit nagpari ang maharlikang si st. thomas aquinas?happy ending ba ang story dahil princess naat super-yaman na si cinderella?

-o0o-

=======================================

- ecclesiastes part 2 [sorrow] -

'and i declared that the dead,who had already died,are happier than the living,who are still alive...
(*)'the sadness lasts forever...' sabi ni vincentvan gogh. di ko alam kung naniniwala ka dun,pero ako, oo. pero the happiness lasts foreveras well... ako ang may sabi nun. depende langtalaga sayo yun kung saan ka titingin -sa tinik ng rosas, o sa bulaklak niya.sabi ni albert camus, may mga taodaw talaga na tumitira sa isang magulo at nakakalitong mundo kung saan pilit nilang iniintindiang mga nakakalitong bagay... mga nakakalitongbagay na hindi iniisip ng iba... halimbawa, may dalawang tao na iniwan ng mga syota nila... yung isa madalingtinanggap ang pangyayari. iniisip niyang ganun talagaang buhay... kinuha ang cellphone niya, tiningnanang phonebook, at nagsimulang makipagtext.pagkatapos ng isang linggo, may bagong syota naang mokong.
yung isa naman, gabi-gabing nagiisip at umiyak.nagkukulong sa kwarto, sinasariwa lahat ng nabuongalaala at pangarap na ngayoy napakalayo na para maabot.iniintindi ang lahat ng dahilan ng hiwalayan. bat siyaganun kadaling palitan? sobrang dami ng nawala.sobrang sayang ng mga pagkakataong dapat ay sa kanya.pagkatapos ng lahat ng sakit,lahat ng kalungkutan, lahat ng gulo...ano ang maaasahan mo sa kanya?'theres no escape...life is unfair...isang araw, hindi lumabas ng kwarto si boy...wala na siya...lumutang na sa hangin.tanging papel lang ang nakinig sa kanya...lahat ng dapat sabihin, dumaan sa bolpen atsa mga luhang di tumigil sa pagpatak... ang hulingiyak ng pagmamakaawa, isinigaw ng huling tibok ngkanyang puso...
'to be or not to be?'tanong ni shakespeare... di natin alam...takot ako sa pwede kong makita pagkatapos...
-o0o-
==============================================

- ecclesiastes part 1 [meaningless] -

'vanity of vanities,all is vanity...
'meaningless, meaningless,everything is meaningless...
-o0o-
'i have seen all the things that are done under the sun;all is meaningless,a chasing after the wind.so i hated life, because the workthat is done is grievous to me.all of it is meaningless,a chasing after the wind...
(*)nakakapagod talaga mabuhay.sa totoo lang, habang iniisip ko angpwedeng mangyari bukas, nanghihina ako...tomorrow will be another day of strifeand struggle...another day to fightand survive. after the laughs, silence.after the day, darkness... and as i lie onmy bed at night, would there be somethingi could think of to make me feel complete?did my efforts and struggles satisfy my longings?why should i live for tomorrow?
-o0o-
'laughter is foolish.and what does pleasure accomplish?i denied myself nothing my heart desired;i refused my heart no pleasure,yet... everything was meaningless,a chasing after the wind...
(*)bat kaya ganito? the more i make myselfhappy, the more i feel dissatisfied. ano ba talaga ang dapat nating gawin para lumigaya?maligaya ka ba sa sitwasyon mo ngayon?masasabi mo bang okay ka na sasitwasyong yan forever? talaga? sure?alam kong may kulang. alam ko kung ano.alam ko kung papaano makukompleto ang kulang.pero bat ang hirap maging kumpleto? bat di ko magawa ang alam kong tama? anong problema?kelangan kaya mag centrum ako?
-o0o-
========================================