- napansin ko lang -
meron akong halaman noon na namumulaklak nglavender na flowers... pamana ng isang mahalagangkaibigan na pumunta sa malayo...kung hindi ko siguro nasobrahan ng fertilizer,baka buhay pa yun ngayon...malas talaga.
-o0o-
-(1)-napansin ko lang...may mga taong parang bulaklak...naghihintay lang na pitasin.pagkatapos siyang mapitas, pagaari na siyang pumitas sa kanya - maliban na nga lang kungpababayaan, iiwan, o itatapon...kung pahahalagahan mo siya at iiipit sa paboritomong libro, mananatili siya - kumupas man lahat ngbango at kulay niya, iyo parin siya... yours alone.
-(2)-ang ibang tao, parang paruparo...meron silang mga 'paboritong'{paborito daw} bulaklakna dinadapuan, pero sa isang hindi malamangkadahilanan, palagi naman silang lumilipad papalayo.(*)pupunta sa rose, then aalis, pupunta sa santan,then aalis, pupunta sa gumamela, then aalis...parang hindi nila kayang manatili sa 'paborito'nilang bulaklak... {bakit kaya?}
-(3)-ang ibang tao parang langgam, gumagapang-gapangsa buhay mo na parang okay lang ang lahat.minsan, nagugustuhan mo pa nga ang kiliti...tapos bigla ka na lang nilang kakagatin. dapat sila tirisin. tulad ng langgam, di pinagsisisihan ang pagkawala nila... ang totoo, ipinagpapasalamat pa nga dapat.
-(4)-ang ibang tao parang garapata - nagdadala ng sakit.minsan, di sila napapansin. mahirap sila tanggalin.makapit sila. mahigpit kung kumagat sa balat. masakit sila kung tanggalin, dahil nasusugatan tayopagkatanggal nila... parang naging bahagi na sila ng balatnatin... pero dahil nagdadala ng sakit, alam nating dapat sila tanggalin.pagkatapos natin silang matanggal, at nagkasugat na tayo,nagiiwan sila ng marka - isang palatandaan na minsan sa buhay natin, kinapitan tayo ng garapata...
-(5)-ang ibang tao, parang sponge - hindi magbibigay kunghindi mo pipigain. hindi naman kelangan na pilitin sila.minsan, mapipiga mo sila kung alam mo ang gustoo kailangan nila, o ang susi ng kanilang mga puso na tilanakakandado. pagkatapos mong malaman ang susi sa pusonila, hindi na sila titigil sa kabibigay hanggang sa tuluyan nasilang matuyo, o maubusan...
_mga napansin ko na di ko dapat napansin_
- mga batang hubad na nagtatakbuhan sa harap ng skul namin- mga hubad na bata sa plaza ng minglanilla na naliligo sa ulan- mga inosenteng bata na may mga matang mulat na sa hirap at lupit ng buhay... mga matang humihingi ng katarungan at karapatan... sipon na walangtigil na dumadaloy mula sa ilong nila. mga mukhang tila pinahiran ng uling...- mapait na katotohanang pilit tinatakpan ng mga makukulay na alaala- katotohanang nakatago sa likod ng mga mukhang kupas- mga bagong mukha na dati ay kilala ko, pero di na ngayon...
-o0o-
(*)ano ba ang sukatan kung talagang mahal ng isanglalaki ang isang babae?-pag mainit at mahigpit yumakap? [tsktsktsk... landi ko talaga]-pag palaging nagsasabi ng i love u? [eEwW! disillusioned pagkatapos]-pag palaging nanlilibre ng snack o pamasahe? [may bigla akong naalala]-pag palaging nagbibigay ng flowers, chocolates, at stuffed toys? [may naalala ulit ako]-pag palaging kumikiss? o pag feel na feel ang kiss? [yucks ko talaga]-pag tinutulungan sa paggawa ng projects? [may naalala ulit ako... anak ng...]-pag palaging tinutulungan sa mga assignments?-pag tinuturuan everytime may test? [hahaaaayyy...]-pag magaling manlambing o mangiliti? [di ako marunong mangiliti]-pag palaging nagtetext ng gud nyt, at gud morning? T_T [sob...sob...]-pag palaging nagbibigay ng comment sa friendster? [minsan naglalakad ako pauwi paralang matapos ang mga comments na ang tagal bago ko matapos pagisipan]
(*) alam nyo ba?{malay ko. di ako expert.}[ewan](*) mga bobo.
-o0o-
No comments:
Post a Comment