Thursday, September 11, 2008

Proyekto sa Filipino

Sumasayaw sa hangin, di maipinta ang galak,
Dalawang paru-parong paraiso ang hanap,
Nalalasing, nalalason ng taglay na halimuyak
Ng mabango’t makulay na tahanang bulaklak.

Ang manunula’y pipi, ang pintor ay bulag,
Mga larawang di maguhit, kaligayahang ganap,
Mga pakpak na tamis ang tanging hangad,
Nasaan ang langit? Nasaan ang pagkawasak?

Masaya ang sayaw, mabango ang halimuyak,
Maliwanag ang araw sa daang tinatahak,
Ang bulklak ay makulay, ang lason ay masarap,
Yakapin ang araw, isangla ang hinaharap!


* * *

8th month!
cheers=]