April 3, 2009
Sino ba'ng mag-aakala na pag open ko sa computer ay porn agad ang sasalubong sa'kin?
>:] Pag sineswerte ka nga naman.
O:[ 'Wag Joshua, masama 'yan.
♂ Bad ang porn. So dapat ko sabihing, I hate porn?
O:] Exactly.
>:[ Isang kasinungalingan! Minsan lang naman. Ang konting lason ay hindi nakamamatay!
♂ Kung sa bagay. Pero ba't ako titikim ng poison, by the way?
>:] Thrill ang tawag jan baby, thrill! Bigyan mo naman ng konting sigla ang buhay!
O:[ Wag ka magpapaloko dyan, oh no!
♂ Syanga pala. 'Lam nio ba bat may porn dito?
>:] Biyaya ang tawag jan boy.
O:[ Yan ay isa lamang pagsubok sa katatagan ng iyong loob at pananampalataya!
♂ Marupok ako ngayon.
>;] Tikim na!
♂ Uhmmm...I can't make up my mind.
>:] Follow your heart.
♂ Minsan lang naman diba?
>:] Minsan lang. So mag extend ka pa pagkatapos. Minsan lang naman kaya lubusin mo na.
♂ 'Lanakong pera.
>:] Utang! Hmm... Wait. No. Bad idea. Wag kang umutang. Mag pray ka na lang.
♂ Angel, 'ala ka nang advice?
+ + +
Nakuha ko na ang grado ko sa English 2. Medyo hindi ako satisfied, pero hindi rin naman kasi ako masyado nag effort tulad ng iba, kaya tama lang siguro yun. Ang huling book na binasa ko ay Love is a Choice. Tungkol ito sa codependenct relationships. Magandang book para sa isang katulad ko na nagbabalak mag BSPsychology.
Iiwan ko na ang Engineering. Boring kasi masyado ang math, at parang mababaliw ako habang nagkaklase. Nung isang departmental exam nga namin, talagang todo kantyaw sakin yung isa kong kasama sa bahay. Ako ang last natapos saming lahat, pero sabi niya, malinaw daw na wala akong sagot. "Nakatunganga ka lang naman. Wala ka man lang sinusulat." Talaga naman. Pero okay narin, pumasa na naman ako sa math. Kahit papaano. Haha!
+ + +
Sino bang mag-aakala na may manonood ng porn dito?
+ + +
I believe love is a choice. It is a voluntary action. Love is a commitment. Loving is a responsiblity din para sakin. Minsan -
O;) Sabihin mo na ang totoo...
Okay - madalas pala. Madalas, baliktad ang paraan ng pag love ko. Siguro naman hindi ako nag-iisa. Ang loving para sa akin minsan ay getting benefits. Kaya siguro madalas ay nag aaway ang mga taong nagmamahalan. Madalas kasi, mas inuuna natin ang sarili nating nararamdaman. Ang immature na pag seselos ay pagiging selfish. Why not let her enjoy her life? Sa halip na tinatago ko siya sa tailor-made kong mundo, why not let her explore a better world? Kung gusto niya pumunta dun, okay. Kung gusto niya gawin to, why not? Hindi ko naman sinasabing walang limitations ang gusto niyang gawin. Pero mahalaga din na malaya siya.
Maganda ang example na binigay ng book. Isipin na lang natin na ballet dancers ang couple. Dapat may unity. Dapat may understanding. Pero ang unity at pagiging sabay sa pagsayaw ay hindi makakamit sa pamamagitan ng pagtali sa dalawang dancers. Sa unang tingin, tama lang naman na itali sila. Unity naman diba? Pero mali ito. Sa codependent relationships, natatali ang dalawa. Sometimes, even the slightest movement can cause an unwanted effect to the other. Hindi sila makakasayaw ng mabuti. Unstable ang kanilang position. Madaling matumba.
Minsan, pag may ibang lalaki na kinausap ang girl maglalasing na ang boy. Minsan, pag may pinuntahan ang girl, nagagalit na ang boy. Maraming beses ko na rin nasubukan to. Madalas, sinasabi na lang na masyado akong sensitive. Ngayon, siguro masasabi kong mali ang paraan ko sa pag'love'. Maraming masamang effects ang codependency. Matindi ang impact nito sa relationship. Ang maganda dito, madali makita ang symptoms nito. Madaling madali. Ang mahirap ay ang pag treat dito. Ang recovery ay medyo mahirap, pero kaya naman. Gusto ko pa sana na maglagay ng mas marami pa dito. Pero ayoko na. Kapagod kaya mag type. Haha!
+ + +
O:) Time nah!
HAHA!