Thursday, October 9, 2008

Bato-bato sa Langit

9:00 ng gabi sa Baryo Madilim

Nasa waiting shed si Colgate kasama ang barkada. Kanina'y malakas ang tawanan nila, ngunit bigla-bigla lang naging tahimik ang grupo nang magsimula nang gumapang ang kanilang usapan sa mga bagay na dapat ay binubulong lang. Napakagandang gabi, nasabi ni
Colgate sa kanyang sarili. Ang malamig na hangin ay may halong kiliti habang marahan itong umiihip. Ang madilim na larawan ng tambayan ay may dalang pananabik. Ang boses ng mga dalagang nasa harap niya; ang kanilang mga mapanuksong ngiti na tila ba nanghahalina; ang mga mata nilang nangungusap na para bang tinatawag ang kaluluwa niyang uhaw sa pagkalinga; ang mga bulungan nilang nilulunod sa mga tanong at misteryo ang isip niyang masayang naglalaro sa di maipaliwanag na kahibangan; at ang nakalalasing na bango nila - lahat ng mga ito ay mahigpit na nakayakap sa puso niyang ibig na sumabog sa sobrang kasabikan. Di mapigilan ni Colgate ang mapatingin kay Angel. Madalas siyang napapasulyap dito, at ang mga nakaw-tinging ito ay hindi nalingid sa kaalaman ng dalaga. Napakatamis ng mga sulyap na ito para kay Angel sapagkat mula sa mga ito ay nararamdaman niya ang di maitagong paghanga ng binata sa kanya. Panghanga't pagnanasa. Nilalasap ni Angel ang pakiramdam ng pagiging kaakit-akit. Maya-maya pa'y nagtitinginan na sila sa mata. Sa mga tinginang ito'y tila mayroon silang sariling mundo kung saan malaya silang nag-uusap. Medyo lasing na si Colgate, pero okay pa ang takbo ng isip niya. Matagal malasing ang mga gago pag may bebot sa tabi. Bawal malasing. Ang mawala sa katinuan, di makaka-jackpot. Tahimik masyado ang grupo. Out of place na si Edward. Tumayo si Arnel habang dahan-dahang sumunod si Kyla. Sumunod tumayo sina Bernie at Jedz. Lima na lang sila sa waiting shed. Si Angel na lang ang babae. Maya-maya'y tumayo na si Colgate. Tila nahihiyang sumunod si Angel. Napakagandang gabi.

Sabay silang naglalakad ng biglang mag-beep ang cellphone ni Colgate. Sa tunog nito'y parang nawala ang kapangyarihan ng alkohol. Bigla siyang pinagpawisan. Kinabahan. Pilit niyang nilabanan ang kamay niya, subalit kusa nitong dinukot ang cellphone mula sa bulsa at binuksan ang message:

"hon?asan k na?x0riT__T bati na tau:("

"P#tang ina." Nasambit ni Colgate.

Nabigla si Angel sa narinig:
"Huh?" Di makapagsalita si Colgate. "Anong problema?"

Ilang saglit pa, at sa wakas ay nakapag-ipon siya ng katinuan upang magsalita:
"Ah..uhh-wala...tayo na.."

- o 0 o -


3 missed calls


Nanghihina pa si Colgate. Wala na si Angel. Sa tabi niya'y nakita niya ang kanyang cellphone. No space for new messages, pero lahat ng mga texts na natanggap niya ay nabuksan na.


"Walangyang buhay. Bwisit."


Nagbihis siya. Lumabas. Nahihilo pa, pero nagdesisyon na siyang umuwi.
Napakasarap sa pakiramdam ng mainit na sinag ng araw. Habang naglalakad siya'y para bang dahan-dahang nagbalik ang lakas niya. Malapit na siya sa kanila nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Sinalubong siya ni Jessica.

"Ano." Tanong ni Colgate habang binibiisan ang paglalakad na para bang umiiwas.


"San ka kagabi? Nag-alala ako sa'yo."


"Anong pake mo?"


"Sorry."


Bakas sa mga mata ni Jessica ang kanyang pag-iyak.
Langya, nasa isip ni Colgate.

"Ano bang problema? Pwede wag mo na'kong ginugulo? Pinapahirapan mo lang sarili mo! T@ng ina!" Di makapagsalita si Jessica, subalit ang di niya masabi ay ipinahiwatig ng kanyang mga luha. "Sorry na." Parang gustong sumabog ng puso ni Cogate sa sobrang kirot. Napakaganda niya kahit umiiyak.

"Sinasayang mo buhay mo sa'kin..."


Tumakbo papaalis si Colgate. Pilit itinago ang mga luhang pilit hinahanap ang daan palabas sa mga mata niya. Hindi nakita ni Jessica ang pagpatak ng mga ito.
T#ng ina. Shit.

- o 0 o -

"G@go!!!" Napalingon sila Colgate. Boses yun ni Edward. "Pare!! AAhHH!!! Pare!!!" Nagtakbuhan ang magbabarkada. Maya-maya pa'y may ginugulpi na sila. Dumami ang mga tao sa paligid. Inawat sila, at sa ilang sandali'y nasa loob na ng prisinto sila Colgate, Arnel, at Bernie.

"Langya pare, tayo pa'ng nahuli." Hindi makapagsalita si Arnel. Sa tinagal-tagal ng pagiging lasenggo't ulol niya, doon lang siya minalas ng ganun. Marami silang pasa sa mukha. Mukhang mayaman ang inupakan nila. Lagot.

"Pare, mas mabuti pa nag shabu na lang ako sa'min, erpat ko lang gugulpi sakin dun."


"T@#g ina, wag kang mag-alala 'nel, pagdating mo sa inyo, magugulpi ka rin ng erpat mong gago."


"Sarap. Doble-dobleng sakit sa katawan. Langya."


May kotseng nag-park sa harap ng presinto. Nagulat si Colgate sa nakita niyang lumabas dito.


"Jessica..."
Nabulong niya. Di na siya nakapagsalita pa.

"Langya pare, utol yun ni Jessica."

- o 0 o -

9:00 ng gabi sa Baryo Madilim. Waiting Shed pa'rin.

"T@ng ina mo Jessica!!! Ba't mo'ko iniwan!!! Di mo ba alam na mahal kita?!! Sobrang mahal kita!!! Mahal na mahal kita!!! Ang g@go ko!!! Langya!!!"


Humahagulgol si Colgate. Tahimik lang ang barkada. Walang chicks, walang tawanan, walang sarap. Sagot ni Colgate ang inuman, pero siya lang din ang lumaklak lahat.


"Ang tanga ko."

+ + +