Monday, October 29, 2007



ang bait talaga ng mga pulitiko sa amin...
gabi ng october 28,2007...
umuulan.
matagal na akong nakahiga pero di parin tulog dahil sa nilaklak kong kape...
umiinom talaga ako ng maraming kape lalo na pag kelangan ko ng caffeine.
[caffeine po kasi ang substitute ko sa shabu]
--- o*0*o ---
mekumatok sa pinto namin, at nagpakilalang mga kasamahan ni -
(itago natin sa pangalang) MDY 'MDZ' JZN...
{vote for barangay captain!!!}
ipinadala daw sila ng kaibigang guro ni mommy... [nanghingi kasi si mommy ng lineup]
lineup ng mga kandidato lang ang inaasahan naming darating... lineup... listahan...
yun lang talaga ang expected namin, pero lucky day ata namin yun,
kaya ang dumating limpak2 na grasya!!! nagtalsikang pagpapala mula langit{impyernO}...
grasya. mga sobreng bukod sa sample ballots, ay meron ding tigsisingkwenta!
hanggan ngayon, di parin malinaw sakin kung ano nga ba talaga ang naramdaman ko
nung mga sandaling yun... basta alam ko magulo {syempre, mayaman na kami, naisip ko}
($) ayaw nalang ni oi... [iniaabot ni papa ang mga sobre... isinasauli]
{pambihira! wag na papa! para satin yan!}
(>:)) ayaw... ayaw... inyo nalang na... plete.
malakas ang boses ng matabang lalaki, at medyo paos...
kaboses nya si santa clause...{sa totoo lang baboy ang kapareho nya ng boses}
dis is krismas...{ang sarap isipin kahit gabi na, nagcha-charity work parin sila. ANG BAIT!}
medyo takot ako nun habang nakahiga... baka imassacre nya kami kasi ayaw tanggapin
ni papa ang pinakamamahal kong mga sobre mula langit{impyerno!}...
babangon na sana ako para kunin ang mga sobre...
{tinatanggap ko ang pera! 50 lang naman talaga ang boto namin!
pwede nga 15, pang internet, o kahit 10 lang, pang-autoload!}
--- o*0*o ---







sampu lahat ang sobre... tumataginting na 500 piso!
grabe, wala man lang kaming ginawa para kumita... pera mismo ang lumapit.
{mayaman na kami yehey!!! swerteng araw talaga!}
[sandali lang, bago ko ipagpatuloy, hayaan nyo muna akong magsabi ng....
LANGYA!!! langyang pulitiko! WALANGYA talaga!!!]
alam kong nangyayari to, pero di ko lubos akalaing ganito ang pakiramdam...
{ang sarap!!! easy money!!! im filthy-rich!!! B*llsh_T!!!}
[sori po sa hardcore kong mura...]
meron pa silang binigay na listahan ng mga pangalan...
apat na pangalan lahat... {oh nO! hindi ko sila hahatian noH! akin lang to!!!}
--- o*0*o ---
struggle na... anong gagawin namin? kung iwi-withold ni papa ang mga sobre, baka sabihin
ng iba, na maramot kami, at inangkin namin lahat ng grasya...
{hinDE!!! aking lang ang pera!!!}
kung ibibigay naman ni papa ang mga sobre, mapapasok siya sa isang maruming kompromiso...
[sayang pastor pa naman... nagvovote buying.... 'langya.] isang napakalaking papel sa lalong
pagpapahirap sa mga naghihikahos nang mga tao ng pakigne...
magiging bahagi sya ng maruming gawain ng mga GGng pulitiko...[sori ulit sa mura]
paano namin isasauli ang pera? alam kaya ng kaibigang guro ni mommy na ang inieendorso
niyang pulitiko ay sobrang bait, at namimigay ng pamasahe?
di ko alam ano ang plano ni papa, pero ibinalot nya sa papel ang mga sobre, at ini-seal
gamit ang elmer's glue... {bili na!}
{HUWAAAAG!!!} [akala ko susulatan niya pa ng 'bawal buksan']
--- o*0*o ---
may mga tao ako na bigla na lang naisip...
mga buhay na bumubulusok papasok sa madilim na mundong di ko halos masikmura...
mga buhay na untiunting lumulubog sa putik...
mga buhay na lalo pang gagapang, sa mga susunod na taon...
mga buhay na bumubulusok papasok sa madilim na mundong di ko halos masikmura... mga buhay na untiunting lumulubog sa putik... mga buhay na lalo pang gagapang, sa mga susunod na taon...
di ko lubusang maisip.. talaga bang bahagi sila ng gawaing to?
gaano nga ba talaga kalalim ang pagnanasa nila sa pera, pwesto,
privileges, benefits, kapangyarihan, pangalan? pagnanasa sa ganitong buhay?
gaano nga ba kababaw ang mga pagkatao nila?
gaano kababaw ang pagtingin nila sa amin?
50 lang ba ang halaga ng mga paninindigan namin?
gaano ba ka bukas ang isip ng mga pilipino sa ganitong sitwasyon?
tinira ko si 'Raf' O. Breeze sa Pulitikang Pilipino [sa aking mga mata]...
gaano ko ba siya ka kilala?
{namimigay din kaya siya ng pamasahe? ganun din kaya siya kabait?}
--- o*0*o ---
hindi ko kailangang maging makabayan, o maging Jose Rizal, para madama
ang ganitong pagkaawa sa kinalakhan kong bayan...
ganito na ba talaga kabait ang mga pulitiko ngayon?
ilang tao kaya ang binigyan nila ng tigsisingkwenta?
"The Filipinos are worth dying for..."
si ninoy ba ang may sabi ng linyang yan?
hanggang kelan PILIPINAS?
{ang mga pulitiko natin ngayon ay tapat sa tungkulin, may nagaalab na pagmamahal
sa naghihirap nating bayan, may mga ginintuang pangarap para sa mga naghihikahos
nating mga kababayan, may masidhing hangarin para sa ganap na pagbabago...
ang mga pulitiko natin ngayon ay hindi kailanman nandaya, hindi kailanman naghangad
ng karangyaan, katanyagan, o kapangyarihan kaya pumasok sa pulitika...}
ito ang legacy na ipapasa-pasa ng bawat henerasyon sa mga sumusunod dito...
lumulubog tayo kaibigan...
at mabilis...
p.s.
umaga ng october 29...
menatanggap ulit kaming mga sample ballots na may lamang grasya...
4 na sobre lahat... gusto kong magpasalamat kay -
(itago natin sa pangalang) VCNT ABLL...
ang perang ipinangiinternet ko ngayon, galing sa kanya...
salamat!!! [langya...]

- pulitikang pilipino part 2 - [salamat sa singkwenta]

ang bait talaga ng mga pulitiko sa amin...
gabi ng october 28,2007...
umuulan.
matagal na akong nakahiga pero di parin tulog dahil sa nilaklak kong kape...
umiinom talaga ako ng maraming kape lalo na pag kelangan ko ng caffeine.
[caffeine po kasi ang substitute ko sa shabu]



--- o*0*o ---



mekumatok sa pinto namin, at nagpakilalang mga kasamahan ni -
(itago natin sa pangalang) MDY 'MDZ' JZN...
{vote for barangay captain!!!}
ipinadala daw sila ng kaibigang guro ni mommy... [nanghingi kasi si mommy ng lineup]
lineup ng mga kandidato lang ang inaasahan naming darating... lineup... listahan...
yun lang talaga ang expected namin, pero lucky day ata namin yun,
kaya ang dumating limpak2 na grasya!!! nagtalsikang pagpapala mula langit{impyernO}...
grasya. mga sobreng bukod sa sample ballots, ay meron ding tigsisingkwenta!
hanggan ngayon, di parin malinaw sakin kung ano nga ba talaga ang naramdaman ko
nung mga sandaling yun... basta alam ko magulo {syempre, mayaman na kami, naisip ko}

($) ayaw nalang ni oi... [iniaabot ni papa ang mga sobre... isinasauli]
{pambihira! wag na papa! para satin yan!}
(>:)) ayaw... ayaw... inyo nalang na... plete.



malakas ang boses ng matabang lalaki, at medyo paos...
kaboses nya si santa clause...{sa totoo lang baboy ang kapareho nya ng boses}
dis is krismas...{ang sarap isipin kahit gabi na, nagcha-charity work parin sila. ANG BAIT!}
medyo takot ako nun habang nakahiga... baka imassacre nya kami kasi ayaw tanggapin
ni papa ang pinakamamahal kong mga sobre mula langit{impyerno!}...
babangon na sana ako para kunin ang mga sobre...
{tinatanggap ko ang pera! 50 lang naman talaga ang boto namin!
pwede nga 15, pang internet, o kahit 10 lang, pang-autoload!}



--- o*0*o ---


sampu lahat ang sobre... tumataginting na 500 piso!
grabe, wala man lang kaming ginawa para kumita... pera mismo ang lumapit.
{mayaman na kami yehey!!! swerteng araw talaga!}


[sandali lang, bago ko ipagpatuloy, hayaan nyo muna akong magsabi ng....
LANGYA!!! langyang pulitiko! WALANGYA talaga!!!]

alam kong nangyayari to, pero di ko lubos akalaing ganito ang pakiramdam...
{ang sarap!!! easy money!!! im filthy-rich!!! B*llsh_T!!!}
[sori po sa hardcore kong mura...]
meron pa silang binigay na listahan ng mga pangalan...
apat na pangalan lahat... {oh nO! hindi ko sila hahatian noH! akin lang to!!!}



--- o*0*o ---
struggle na... anong gagawin namin? kung iwi-withold ni papa ang mga sobre, baka sabihin
ng iba, na maramot kami, at inangkin namin lahat ng grasya...
{hinDE!!! aking lang ang pera!!!}
kung ibibigay naman ni papa ang mga sobre, mapapasok siya sa isang maruming kompromiso...
[sayang pastor pa naman... nagvovote buying.... 'langya.] isang napakalaking papel sa lalong
pagpapahirap sa mga naghihikahos nang mga tao ng pakigne...
magiging bahagi sya ng maruming gawain ng mga GGng pulitiko...[sori ulit sa mura]
paano namin isasauli ang pera? alam kaya ng kaibigang guro ni mommy na ang inieendorso
niyang pulitiko ay sobrang bait, at namimigay ng pamasahe?

di ko alam ano ang plano ni papa, pero ibinalot nya sa papel ang mga sobre, at ini-seal
gamit ang elmer's glue... {bili na!}
{HUWAAAAG!!!} [akala ko susulatan niya pa ng 'bawal buksan']



--- o*0*o ---



may mga tao ako na bigla na lang naisip...
mga buhay na bumubulusok papasok sa madilim na mundong di ko halos masikmura...
mga buhay na untiunting lumulubog sa putik...
mga buhay na lalo pang gagapang, sa mga susunod na taon...



may mga tao ako na bigla na lang naisip...
mga buhay na bumubulusok papasok sa madilim na mundong di ko halos
masikmura... mga buhay na untiunting lumulubog sa putik...
mga buhay na lalo pang gagapang, sa mga susunod na taon...



gaano nga ba talaga kalalim ang pagnanasa nila sa pera, pwesto,
privileges, benefits, kapangyarihan, pangalan? pagnanasa sa ganitong buhay?
gaano nga ba kababaw ang mga pagkatao nila?
gaano kababaw ang tingin nila sa amin?
50 lang ba ang halaga ng mga paninindigan namin?
gaano ba ka bukas ang isip ng mga pilipino sa ganitong sitwasyon?

tinira ko si 'Raf' O. Breeze sa Pulitikang Pilipino [sa aking mga mata]...
gaano ko ba siya ka kilala?
{namimigay din kaya siya ng pamasahe? ganun din kaya siya kabait?}



--- o*0*o ---


hindi ko kailangang maging makabayan, o maging Jose Rizal, para madama
ang ganitong pagkaawa sa kinalakhan kong bayan...
ganito na ba talaga kabait ang mga pulitiko ngayon?
ilang tao kaya ang binigyan nila ng tigsisingkwenta?

"The Filipinos are worth dying for..."
si ninoy ba ang may sabi ng linyang yan?
yun tuloy... patay nga siya.


hanggang kelan PILIPINAS?
{ang mga pulitiko natin ngayon ay tapat sa tungkulin, may nagaalab na pagmamahal
sa naghihirap nating bayan, may mga ginintuang pangarap para sa mga naghihikahos
nating mga kababayan, may masidhing hangarin para sa ganap na pagbabago...
ang mga pulitiko natin ngayon ay hindi kailanman nandaya, hindi kailanman naghangad
ng karangyaan, katanyagan, o kapangyarihan kaya pumasok sa pulitika...} (?)


ito ang legacy na ipapasa-pasa ng bawat henerasyon sa mga sumusunod dito...
lumulubog tayo kaibigan...
at mabilis...




p.s.


umaga ng october 29...
menatanggap ulit kaming mga sample ballots na may lamang grasya...
4 na sobre lahat... gusto kong magpasalamat kay -
(itago natin sa pangalang) VCNT ABLL...
ang perang ipinangiinternet ko ngayon, galing sa kanya...
salamat!!! [langya ka...]