'there is a time for everything,and a season for every activity under heaven;a time to weep and a time to laugh,a time to mourn and a time to dance,a time to embrace and a time to refrain,a time to search and a time to give up,a time to keep and a time to throw away...
(*)naaalala ko pa ang hapong iyon... medyo madilim na anglangit... naglalaro ang mga kapitbahay namin ng family computer.masaya ang paligid... nilamon na sila ng mga makulay na tauhan sa laro, tunog ng mga halakhak, kantyaw, at tugtog mula sa computer game... puro na lang sila tawa.nasa kalagitnan na sila ng round three, nang biglang may umalingawngaw na mga sigawan. meron bang umiiyak?ewan. mga takot na tinig at tila ba nawawala na sa sarili...nagtakbuhan sila palabas ng bahay.
humarurot sa takbo ang isa kong kaibiganat niyakap ang ama niyang halos maprito na sa init ng kuryentengdumadaloy sa kanyang katawan... sinong mag-aakala na sasayadsa isang kable ng kuryente ang panungkit na gamit niya?itinakbo siya sa ospital. ang anak niya, baka daw mabaog dahil salakas ng kuryente... main line pala ang nasungkit niya.di ko na maalala kung nasaan ako nang mangyari yun... {baka natutulog na naman...}basta malungkot ang nakita ko pagkatapos... mga kaanak na humahagulgol sa sobrangpagluluksa... mga mukhang bakas na bakas ang pagod,lungkot, takot, at pagkabalisa... ang iba, nalilito pa yata sa mga nangyari... ang iba, wala sa sarili at parang namatayanna ng mga kaluluwa... mabait ang taong yun... di ko lubos akalain.tawanan noong hapon... mga daing at iyak pagdating ng gabi.
ang punong malapit sa poste ng kuryente, matagal nang wala.una ay itinumba ng bagyo... pagkatapos, lahat ng natira nyapang bahagi na nakabaon sa lupa, inubos ng mga anay.ngayon wala na ang puno. ang alaala ng namatay, unti untina ring nauupos... malapit na.
maiksi lang ang buhay... hindi 70 yrs.hindi 60. hindi 50... sa totoo lang di ko alam.pero habang nagtatype ako ngayon, pwede akong bumagsakna lang bigla, at lahat ng gusto kong sabihin, lulubog kasama kosa madilim na kawalan. lahat ng sikretong alam ko, kasama kongmababaon sa lupa... lahat ng pangarap, lahat ng naggawa ko,lahat ng alaala, ang damdamin ko... ano na? paano na?[para sa mga kaibigan ko, alam nyo kung gaano kayo kahalagasa akin... isipin nyo lang ang mga binuo nating alaala, kungpaano ako tumawa, kung paano nyo ako napasaya, kungpaano ko kayo pinangiti, kung paano tayo nagbigayan...sa mga magulang ko, salamat sa pagpapalaki sa isangkatulad ko na puro lang naman talaga sakit sa ulo... sa mgakakilala ko, salamat sa panahon at masaya ako na naging bahagi kang maikli kong buhay...]example lang yun...wala naman akong sakit na nakamamatay, kaya ok lang tayo...kung may ALD ako, sasabihin ko yan sa personal bago ako tuluyangmaging pipi, bulag, o bingi... kung may cancer ako, sasabihin koyan bago ako makalbo... hahahaha!!!hahaaayyy... buhay. dapat alam mo kung anong oras na...alas-kapit pa ba, o alas-bitaw na... alas-meron pa, o alas-wala na.
-o0o-
================================================
No comments:
Post a Comment