'enjoy life...
ang life dapat inienjoy.alam ko kung paano ko gusto ienjoy ang buhay ko...paano mo gusto ienjoy ang buhay mo?pera? katanyagan? {magartista ka na lang}
napansin ko lang, ang life puno ng choices...puno ng yes or no... yes or no, at yes or no.
nabigyan ka ng ticket papunta sa isang di mo alam na lugar.pupunta ka ba dun o hindi? palagi kong nasasalubong angtanong na to... sa totoo lang mahirap talaga tong sagutin...ang bagong lugar, walang kasigurohan... pwedeng pangit,pero pwede ring mas maganda sa kinalalagyan mo ngayon...dapat lang siguro nating siguruhin na pagpunta natin dun, aydi tayo maliligaw... at kung maligaw man tayo, ay siguruhindin nating magagawa pa nating bumalik... dapat din natingsiguruhin na pagbalik natin, meron pa tayong babalikan.nasubukan ko nang umuwi, pero wala nang naabutan...[ang tahanan kong wala nang laman...]tanging mga awit na lang mula sa kahapon ang pwede kongialay sa mga alaala ng tahanan kong di ko na mababalikan.sa totoo lang, ito ang pinakakinatatakutan ko sa lahat...
-o0o-
uhaw ka sa pagtingin ng iba... gusto mong tingalain.gusto mong magkaroon ng maipagmamayabang sa kanila... gustomong umangat sa kanila... nakakakita ka ng panandaliang ligayasa mata ng mga taong nagpipiyesta sa katawan mong sumasabaysa makamundong tugtugin... sumasabay ka sa nakakabinging tunog.halos mabulag ka ng napakaliwanag na ilaw na nakasentro sayo...
isang araw, habang sumasayaw ka, biglangdidilim ang center stage... dahan-dahang kukupas ang tunog ngpalakpakan... ang hiyawan ng audience, lalamunin ng katahimikan atkadilimang di mo matatakasan... isaisang maglalaho ang mgataong dati ay nakatutok sa iyo ng buong paghanga, inggit, opagnanasa... mapapatigil ka sa sobrang pagod. nasan na ang lahat?
sa audience, makikita mong iilan na lang ang nakatingin sayo.malungkot na mga mata - ang iba, luhaan.wala ka bang nakalimutan?wala ka bang naiwala?nagawa mo bang pag-ingatan ang mga bagay na mahalaga sayo?wala ka bang hindi napansin?
narinig mo ba ang mahina nilang tinig? o puro lang ingay ngtugtog ang narinig mo? napatay ba ng maiingay na tugtugin ang bosesnila? ang mga walangkwentang bagay at hangarin...mga makamundong ambisyon... kaakitakit na mga pangako ngisang pabagubagong mundo... naniniwala ka ba sa kanila?sabi nga ni emilio jacinto,'let us seek light and not be seduced by glitters...
takot din ako dito... maswerte ako ngayon dahil di pa tumitigilang maingay na tugtog... pag tumigil ba ako ngayon, may nanonood ba?ikaw? sumasayaw ka din ba ngayon? may mga bagay ka ba nanapabayaan na ngayon ay naglaho na?
-o0o-
mga multong bumabalik mula sa kahapong matagal ko nang nilibing.so much to fight, so little to fight with...
No comments:
Post a Comment