Friday, December 14, 2007

- ecclesiastes part 3 [joy] -

'A cord of three strands is not quickly broken...
(*)minsan ay narinig ko si papa -
'if you want to run faster, run alone.if you want to run longer, run with a group...
ang ganda, pero gusto ko rin sanang dugtungan...
'if you want the run to be meaningful, run for someone.if you want to run satisfied, run with someone...
ang kay papa - cooperation at unity. pagtutulungan.ang sa'kin - isang matibay na dahilan para mabuhayat isang dahilan para lumigaya...
naalala ko tuloy yung pinakalife-changing na lesson na natutunan ko mula sa isangnapakahalagang kaibigan. isang lessonna di ko kailanman malilimutan...
(direction: arrange in proper order)fame, finances, influence, education, relationships...
{unahin mo ang education. pangalawa ang finances.pangatlo ang influence. fourth ang fame. last ang relationships.}
bata pa ako nung itanong sakin ang tanong na to... nung bata pa kasi ako, palaaway lahatng bata sa amin. mahiyain ako sa mga babae. sa totoo lang, medyo huli na ako nagka-crush.(guess mo kung anong taon ko siya unang nakita...)
[ang totoo, ngayong high school lang ako nakapag-ipon ng tamang dami ng guts para makipagusap sa mga taong dati ay di ko nilalapitan kasi nga nahihiya ako...]
tama naman talaga ang sagot ko. para sa isang bata,ano ang halaga ng mga relationships?aanhin ko ang syotang gagastosan?aanhin ko ang maybahay na habangbuhay akong tatalakan at rarakrakan ng bungangang mala-armalite?aanhin ko ang mga kaibigan?sanay akong mag-isa nung kinder ako...hindi marunong magtago ng sikreto ang mga classmates konung elementary... hanggang ngayon, ganun pa rin sila.may mga bagay na kayangkaya nilang ipagkalat nang di silanaapektohan... ako hindi. pati mga katiting na sinasabi ko,kadalasan, ayokong sinasabi sa iba... kaya siguro isang kaibiganlang talaga ang importante sakin...
[bigyan mo ko ng isang kaibigan na mapagkakatiwalaan at hinding hindi ako ipagpapalit, at makikita mong kaya kong talikuran ang iba para sa kanya... di ko kailanganang madaming kaibigan{kakilala},ang kelangan ko totoo...]
[sa isang subdivision na puro mayayaman ang mga bata,sino ang aasahan kong makipaglaro o makipagkaibigan sa akin? wala akong computer, o remote-controlledna laruan, o robot, o matchbox, o gameboy...]
kailangan ko lang tapusin ang pag-aaral... grumaduate withhonors, makapag-trabaho, mag-abroad, make big bucksand save all my money til i get filthy rich! yun lang.yun ang pilit pinoprogram ng mundong to sa utak ng mgabata - pera lang ang lahat sa mundo... edukasyon...hindi nila sinasabi na maikli lang ang buhay para sayangin sa pagtupad ng mga pangarap na hindi naman magpapatawasa atin pag nasa ilalim na tayo ng lupa...pinapaniwala tayo ng mundo na kailangan nating magingpraktikal para mabuhay at maging masaya...sa totoo lang, importante para sakin ang pera, at everytimenapapaisip ako ng pera, bigas ang una kong naiisip bilhin...tumatawa nga palagi sakin si papa kasi lagi daw bigas anginiisip ko pag pera ang pinaguusapan... e ano ba dapat?
[e pagkain naman talaga ang gamit ng pera diba? ang peraay kailangan natin para mabuhay - hindi para maging maligaya.isang malaking BOO! para sa mga materialistic na tao.sila kadalasan ang mga pinakamabababaw na tao...ewan kung san umiikot ang buhay nila... ewan kung ano angmga prinsipyo nila...]
naniniwala ako sa fairytales... (mali ka!hindi ako naniniwalasa fairies, genies, at palakang nagiging tao pag hinalikan!)naniniwala ako sa wishes na natutupad, sa mga imposiblengbagay na biglang nagkakatotoo, sa true love, at sa happy ever after... bakit nagpari ang maharlikang si st. thomas aquinas?happy ending ba ang story dahil princess naat super-yaman na si cinderella?

-o0o-

=======================================

No comments: