Wednesday, April 16, 2008

Jack and Jill [random]

April 13, 2008

- o0o -

dahan-dahan ang pagpatak ng ulan...
medyo malamig , kaya hinihila ako papuntang kama ng sipon
kong lalo pang tumitindi ang trip...
pero ayokong matulog kasi gusto kong magsulat...
okay, ang totoo, hinihintay ko ang text niya...sabi niya
kasi kanina, tetextan niya ako ulit...l8er 'kaniya...
di ko naman akalaing antagal pala ng later na sinasabi niya...
hehehe...

mula dito sa kinalalagyan ko ay nakikita ko ang munti kong
pamangkin na kung maglakad e para bang nakipaginuman
sa lolo kong lasenggo...at dahil sobrang likot ng batang to,
at dahil wala pang ibinebentang 'anti-umpog helmet for kids'
at 'anti-bone fracture armor for toddlers', binabantayan siya
ngayon ng ama niyang medyo lonely ata dahil sa ulan...

[ brownout kaya medyo madilim ngayon habang sinusulat ko to... ]

[ umiiyak na'ng pamangkin ko...pambihira...sana tumigil na... ]

gusto ko nang matulog kasi nga medyo lumalala na ang sipon ko...
sinusitis, whatever you call it, talagang masakit nang mga mata
kot itong ulo kong malapit na atang magcrack...
kung singko lang sana ang bayad sa sinuses transplant,
nasa operating room na siguro ako ngayon...

[ uy! mekuryente na:) congrats sakin...hehehe... ]

co0l, nakangiti sakin ang pamangkin ko ngayon...ewan an0ng trip
niya ngayon pero duda ko, me nabubuong kalokohan sa utak n2...

[ nakakatawa ba talaga pagmumukha ko? ]

papel ang kausap ko ngayon kasi wala akong makausap...
okay sana kung meron akong bagong dvd na di ko pa
napapanood...mas ok din sana kung naiintindihan ko tong
'the sound and the fury'...pero habang lalo ko siyang binabasa,
lalo ata akong nalilito...1956 pa ang last printing nito, kaya ewan
kung tama ba talaga ang laman:P

pero ang talagang okay ay kung biglang mag beep yung
CP ko at makatanggap ako ng isang mainit na
'qmzta h0n?ok lng nAmn aq d2,sAna kw dn..laAby0u!!:)'

{sigh} ala pa ding text...

kanina ko pa tinatanong sa sarili ko...
kumusta na kaya yun?bat kaya antagal ng 'later' niya?
sino kaya kasama niya?ano suot niyang damit,
yung paborito ko kAya?ano kaya ginagawa niya ngayon?
ba't niya kaya ginagawa yun?
para sa'n kaya yung ginagawa niya?nakakain na kaya siya?
umuulan din kaya dun?medala kaya siyang payong?
naulanan kaya siyat nilalamig ngayon?memasakit kaya sa kanya?
ok lang kaya siya?ano kaya iniisip niya ngayon?iniisip niya kaya ako?
natutuwa kaya siya ngayon?o nababato?o nalulungkot?
meron kayang kumag na nagpapacute sa kanya ngayon?
[ lagot sakin ang kumag na yun:P ahehe... ]
pambihirang buhay talaga oo...sana magtext na siya... {sigh}

- o0o -

nagtatakipsilim na...dahan-dahan nang humihimlay ang anghel na
sumasampal sa kawalang-hiyaan ng mga demonyong gumagala
sa ating mga lansangan, sa ilalim ng mga anino ng mga tago't
nakakandadong silid, mga corrupt na tahanan, sa loob ng mga
puso ng mga taong nabulag na ng gutom, sa kaluluwa ng mga sakim
na buwaya na lumalason sa malawak na dagat ng mga mangmang
na mamamayan at lumalamon sa buhay ng gumagapang na nating
lipunan...nasa harap natin mismo ngayon ang larawan ng sinasabi
kong mga demonyo...ang larawan ng kamangmangan...ang
larawan ng gumagapang nating lipunan...minsan di ko nabibigyang
pansin ang mga bagay na to kasi nasa ibang direksyon ang mga
mata ko..nasa sandamakmak na requirements, nasa mga mahal sa buhay [ehe...], nasa kung anu-anong mga bagay...
iba-iba siguro ang dahilan natin...ang iba, hindi ito nakikita
dahil nakapikit pa ang mga mata nila...at pwede ring talagang
nabulag na sila...

- o0o -

lumabas ako kanina...naglakad2...mga sampung minuto lang nman...
sinisipon parin, at lumalala...langyang sipon talaga...
umuulan parin...malamig...nauulanan ako... {sigh} bigla ko naalala...
gustong-gusto niya magpakabasa sa ulan...
gusto ko din naman ang magpakabasa sa ulan...pero pag siya na
ang pinaguusapan, ayaw na ayaw ko talagang nakikita siyang
ginagawa yun...una, ayokong magkasakit siya [sakitin kasi yun],
pangalawa,ayokong nakikita siyang masyadong malikot, lalo na
sa ilalim ng ulan, at ewan ko lang kung bakit...pangatlo, ewan,
basta ayoko...ehe:)

- o0o -

ilang ambisyosong mambabatas na din at presidente and nagdaan...
ilang pangarap na rin at panaginip ang inasahan nating magkatotoo...
lahat sa kanila, pinilit nating bigyan ng hininga sa pamamagitan ng
maiinit na diskusyon at talakayan na para bang walang katapusan...
gaano na ba talaga kabulok ang sistemang nagpapatakbo sa atin?
pati ba tayo naging bulok na din?

- o0o -

gud news!!!nag text na siya!
nagugutom daw at puro lang biskwit ang laman ng tiyan...tsk3x...
sana makakain na siya ng maayos...
kakain na muna ako, tapos itatype ko ang tong natapos kong isulat.
siguro dudugtungan ko pa toh...

- o0o -

pinatalsik natin si marcos at pinaalis sa palasyo si estrada...
nasan na ba tayo?sa dinamidami ng mga ungas na sinisi natin at
tinanggalan ng korona, ano na ba ang narating natin?
mahal natin ang demokrasya at kalayaan...
sobrang mahal na kahit impyerno ang kapalit, tatanggapin natin...
pero ano ba talaga ang gusto nating malasap mula sa kalayaan?
bat andali lang sabihin na 'ok lang ang impyerno' basta malaya?

pinapaawit nga natin ang mga estudyante ng Lupang Hinirang
dahil nga 'malaya' tayo, pero ang laman ng mga bag nila,
mga antigo at nilulumot na libro, simbolo ng edukasyon nating
de kalidad at epektibo...
hindi nga mga walangyang espanyol at amerikano ang nagpapalakad
ng ating gobyerno, pero ginagago naman tayo ng mga sarili nating
kalahi na umaapaw ang pagka tarantado...
wala na nga si marcos pero ang presyo ng galunggong na ipinangako
ni cory na bababa, lalo pang tumaas...

rally ng rally ang matatalino nating mga kababayan...
speech ng speech...dakdak ng dakdak...
pero heto parin ako, nakaharap sa telly, pabulong na sinasabi...

anong paki ko kung mahal ang commercial rice
dahil sa posibilidad na may nangyayaring hoarding
sa lebel ng nga traders kaya napipilitang magtaas
ng presyo ang mga retailers at nalulugi na sila kasi
lalong lumalaganap ang pagbebenta ng low-price
nfa rice na subsidized ng gobyerno, at gusto na
ng nfa na mamigay ng family access card para maging
proactive ang proseso ng distribusyon ng murang bigas,
at masigurong natutulungan lahat ng mamamayang
lubos na nangangailangan...

who cares?
basta alam ko, cute si ted failon:P

- o0o -

di na ako nagtatype ngayon... pero kanina,
habang nagtatype ako, nagtext ulit siya...
mula nun, itinodo na namin ang pagtetext...
di niya alam na sobra ko siyang namimiss
kaya andami kong tanong..di ko sinabi...
bigla akong tinawag ni papa at bigla siyang nagdevotion
then nagalay ng isang dasal para di na ako maging tamad...
[ uy, determinado na talaga:P ]

nung muli kong mahawakan ang CP ko, tulog na ang
mahal kong txtm8...d nako nkatanggap ng reply...
pagod yun, at siguradong umuulan din dun sa kanila
kaya tiyak na mahimbing na ang tulog niya ngayon...

pagkatapos kong isulat to, magtotoothbrush na'ko,
tapos ay magtetext ng 'gudnyt mineEe...swt drmz...
xlp tyt...il0veyou so0o much!!!:)'
then papatayin ko na ang ilaw, at hihiga sa mahal kong
kama...at finally, ipagdarasal ko na sana lalo pa siyang
maging cute, at sana masarap ang tulog naming dalawa
ngayon...
at habang hinihintay ko na tuluyan akong makatulog,
pipintahan ko muna ng larawan niya ang bawat sulok
ng madilim na silid na to...babalik-balikan ko na naman
lahat ng mga moments namin na magkasama...

meron akong pakiramdam na bigla yung magigising
mamayang mga ala una or alas dos...
ganito schedule namin...hehehe...mga aswang...
sana nga magising yun mayamaya...










sige...sweet dreams sa'kin:)

No comments: