Saturday, March 15, 2008

Ano ang Tatlong Wish Mo?

--------------
Mga Wish...
--------------

sabihin nating isang araw, habang papauwi ka ay meron
kang nakitang isang kapansin-pansing bote sa daan...
medyo misteryoso ang hugis ng bote...
[hindi kahugis ng tanduay lapad, o ng kung
ano mang long-neck, o bailey's, o napoleon...
ewan mo talaga... ngaun ka lang nakakta ng ganun.]
pinulot mo ang holy mahiwagang bote
at naitanong mo sa sarili mo...
['sino kaya ang naglasing dit0?']
'anong bote kaya toh?ngayon lang ako nakakita ng
bote na ganito ang hugis...'
zoom in... zoom out... binusisi mo ang bote...
'anong bote kaya to?'.. [wala namang nakasulat na
johnny walker, kaya di mo masabi kung alak nga ba ang
laman nito dati...]medyo mabigat siya at paalogalog kaya
alam mong meron pa siyang laman...
[gusto mo buksan para makita
kung pwede pa ba laklakin ang natitirang alkohol...]
gusto mo malaman kung ano nga ba talaga ang laman ng
bote...[pano mo kaya siya mabubuksan?]
kutingting...kutingting...kutingting...
at ay0s!!!nabuksan mo siya!at PUFF!!!!
lalong mas maAYOS!!!
biglang bumuga ang bote ng tonetoneladang carbon
monoxide, at sa isang iglap, isang HUBAD na genie ang
tumambad sa iyong harapan...nabigla ka...tiningnan ka
ng genie sa mga mata, at bigla mong naitanong sa sarili mo...
'may 3 wishes kaya ako?'
ilang sandali pa, biglang nagsalita ang genie...
'naliligo pa ako...pwede maya na lang?'
nagambala mo pala ang pagligo ng genie...
pumasok ulit sa holy mahiwagang genie bote ang
HUBAD na genie, at naiwan kang nakatunganga
sa kawalan...'totoo pala ang genies...'

--- #%# ---

{kelangan kong bilisan...
sana nasa skul pa ang mga mokong...}
[hingal hingal]
{nasa skul pa kaya yung mga yun?
ang init naman ng araw... langya...
kung di naapektohan ng sobrang init ang mga utak ng
klasmeyts ko, andun pa sila sa skul at hinihintay ako...
medyo late na ako...isang oras...pero di naman siguro
ganun ka late para iwanan... ang iba siguro kararating
lang mga 5 minutes ago...pwede pa ako humabol...}

so binilisan ko pa ang pagtakbo...nagdarasal sa daan
na sana andun pa nga sila... medyo sigurado na akong
iniwan na ako ng mga 'kagrupo' ko sa pabigat na project
na toh, pero di parin ako nawalan ng pagasa...baka lang
naman, andun pa sila sa skul at hinihintay ako...

halos mawasak ang mundo ko nang makita ko nang wala
na akong nadatnan sa room...pambihira...di ako nagkamali.
iniwan nga ako ng mga 'kagrupo' ko...

wala na yung mga 'friends' ko nung dumating ako sa skul...
nainip siguro sila sa kahihintay... 9:00 ang
napagkasunduan... 10:43 ako dumating...
[okay...nagsinungaling ako kanina...
hindi lang isang oras ang late ko...]

so umupo na lang ako sa isang sulok...
langya talaga...ano na gagawin ko ngayon?
sana di nalang ako umalis ng bahay at naglaro na lang ng
paborito kong pc game, o di kayay nag frendster...

{halos di na maipinta ang mukha ko...kelangan mo ng
tagapagligtas...at yun nga ang dumating...}

--- #%# ---

1:25 na ata kayo natapos sa kwentuhan niyo...
sa unang tingin, cute siya... sa pangalawang tingin, ang
sarap niya nang tingnan ng paulit2... pag nagpadala ka sa
ka cutean niya, di mo na gugustuhin pang alisin ang
paningin mo sa kanya...yun nga ang nangyari sayo...
natapos ang ilang oras... nalaktawan mo ang lunch...
nakalimutan mo ang mga langkwenta mong 'kagrupo'...
lahat halos sa mundo nakalimutan mo... gusto mo lang
maknig sa kanya... sa mga sinasabi niya....

sa totoo lang, di ka naman tlaga interesado sa
mga tricks na kaya gawin ng aso niya katulad ng pagbukas
ng refrigerator...

[langya, kung marunong magbukas ng
refrigerator ang aso kong si gohan, siguradong mauubos
ang lahat ng pagkaing ilang linggo naming pinag ipunan para
mabili...]

di ka naman talaga interesado kung ano ang
ipinagkaiba ng love sa infatuation... or kung bakit
naghihirap parin ang pilipinas sa halip ng mga pangako
ng presidente at ng kanyang mga alagad na anghel...

di ka mahilig sa lahat ng yun... ano ba pakialam mo kung
magkaiba nga talaga ang love sa infatuation... ang
importante lang sau nung mga panahong yun ay ang
makatulong sa pagtapos ng 'group project' niyo para
magkaroon ka naman ng grade kahit papano...

ano ngayon kung maraming pangako na di natupad ang
kasalukuyang administrasyon?ang mga magulang mo ang
naghahanap ng trabaho at naghahanap ng paraan
para matustusan lahat ng kelangan mo...

andami niya pang pinagsasasabi...wala ka namang
maintindihan...ibang klase...ambilis ng oras...nagsalita
siya ng nagsalita...sumagot ka pminsan minsan...
pero marami sa panahong yun,nakatingin ka lang sa kanya...
minsan, napapansin niyang masyado nang malagkit ang
tingin mo sa kanya...

'baka bigla ako lapain ng taong to...'

naisip niya siguro...

--- #%# ---

patawad sa mga naloko kong basahin to...

--- end ---

No comments: