May 5, 2008, Monday
12:40 AM
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay... lalaALa...
- o 0 o -
Nagsusulat na naman ako. Nakahiga na ako kanina pero naisipan ko nanamang bumangon at
magsulat. Mapupuyat na naman ako, at ewan hanggang oras...
- o 0 o -
Nabasa ko dati, pag masyado ka nang puyat, magkakaroon ka ng hallucinations. Meron ka bang kilalang bata na di pa marunong magbasa, pero magaling na magsalita ng ingles tulad ng f*kyU?
- o 0 o -
Sira ang pC; kelangan i reformat. Nag expire kaninang mga alas onse ang unlimited text ko. Napakaraming lamok - parang nakapasok ang iba sa kokote ko...naririnig ko sila...
- o 0 o -
Nung elementary ako, kinikilig ang mga kaklase ko pag tinutukso sila ng 'uUuuieE!!! LQ sila!!! aheEee!!!ayeEeee!!!' Sa totoo lang, nung mga panahong ako naman ang tinukso, aaminin kong nakiliti rin nman ako kahit papano. At dun mismo, narealize ko, di pa naman pala ako ganun
ka manhid. Balik tayo sa tuksuhang LQ...
Ang swerte talaga ng pakiramdam ano kung crush mo ang ipinapares sayo. Actually, kahit di mo nga crush - kahit yung cute lang sa section 30, okay na. Basta cute. Hanep dibah?! Siguro, kahit grade 3 pa yung cutie na yun, sobrang seksi at sobrang ganda na niya. Biruin mo, nasa mga 17 na ang edad nun. Pwede na itanan. HAHAHA!!! Pag pasensyahan mo na lang kung hanggang
3 lang ang kaya niyang bilangin. Valid naman ang reason - grade 3 pa siya. Pero, sa naaalala ko, kahit yung tindera ng hilaw na mangga at hipon sa kanto ang ipares sakin, napapangiti pa rin talaga ako. Langya, di masyadong mapili an0h? Totoo. Kahit nga ata yung mukhang iguana
sa kabilang section ang ipares sakin, di ko ipagkakailang makikiliti parin ako. Sa mundo ng mga iguana, mga tao rin naman ang mukhang mga panget dibah? HAHA!!! Pero kung hindi ka katulad ko na nakikiliti sa kung kanikanino lang, okay ka. Ayos ang taste ng feelings mo. Basta ako,co0l na sakin ang tindera ng icewater. Tuksuhan lang naman dbah? Di ko naman pakakasalan;p
- o 0 o -
LQ ang dahilan kaya ako nainspire magsulat ngayon. Kung gaano ka-nakakaaliw ang tuksuhang
LQ, parang sampung doble ata ang sama ng pakiramdam pag totoong LQ na ang paguusapan. Para sakin lang naman. Minsan, sa matitinding mga LQ, inaabot ng 3AM ang pagpapalitan ng 's0ri na h0n:(' at 'il0veyou nAh..xmyl ka na plsz:(' ...
Sa ganitong mga pagkakataon, malas ka pag dina xa nagreply. Minsan, timing na timing na mag eexpire ang unlimited text mo ng mga 3:27 ng umaga. Di ka na makakapag flo0d sa sweetheart mong naunang nahimbing. Pero mas malas ka pag ginising ka ng papa mo mga alas sais para tulungan siya mag type ng sandamakmak niyang paperwork na wala ka naman talagang pakialam. Halos dalawang oras lang ang tulog mo, pero di ka pwede tumanggi sa utos niya. Di mo pwede sabihing:
'dad, pwede 'maya nalang kita tulungan jan? LQ kami ni sweetipie... '
[congrats nga pala kay kim...napanood ko kanina ang debut niya sa ABS...di ko na nga lang tinapos kasi pinagtripan ako ng gwapo kong papa... 'oH!bat mo pa pinapano0d si kim? mesy0ta ka na dibAh?!..' pambihira... anyway, mepoint naman siya kaya pumunta nalang ako sa kusina para tumunganga...at tumunganga... at tumunganga...at tumunganga pa...]
- o 0 o -
Kahap0n, umaga ng sunday, sa sunday sch0ol, tinan0ng sa mga youth kung ano ba ang kadalasang nasa isip nila, o di kaya'y kadalasang gumugulo dito. Kagaya nga ng inaasahan ko, ito number 1:
[tat - tadDadaANgG!!!]
Lovelife! Kasama na rin ang mga crush, mga cutie, mga hunk, chicks - name it.
Inilista ko na rin ang iba pang mga sag0t: katuwaan (mga gimik, lakwatsa... ) at mga problema (pamilya, pera, sarili...)
Syempre, lovelife ang inasahan kong sagot ng karamihan kasi yun din naman talaga ang madalas kong iniisip. Sa medyo mura pang mga edad, matindi daw talaga kung bumugso ang damdamin. Ewan. Depende rin siguro yan sa tao. Ang mga nailista ko sa itaas ay according lang naman sa mga kasamahan kong y0uth. Puro kasi sila mga gwapo at puro mapagmahal, kaya siguro lovelife ang laging nasa isip nila. Kung sa payatAs ako nagtanong, baka bigas, o basura ang sagot nila...
- o 0 o -
Alin sa mga sumusunod and pinakamatindi mong pwede makalaban:
yung kapitbahay nyong pinutol ang puno niyo ng bayabas sa likod-bahay?
yung askal na bigla2 kung sumulpot sa kung saan sabay wiwi sa mga tsinelas niyo sa may pintuan?
o yung pilyong bata sa kabila na tuwing dumadaan ka ay walang awa kang hinahabol at sinisigawan ng 'pangEt!!pangeEetTt!!pangEet ka!!bleEehHh!!!'
- o 0 o -
Minsan, naiisip ko, ang dali siguro ng buhay kung puro lang yes at no ang pagpipilian. Kung ang choices ay A or B lang. Kung lahat ay black and white. Andali siguro ng buhay kung kaya kong utusan ang sarili ko: 'maniwala ka', 'smyl!', 'wag kang masaktan!', 'tawa', 'wag mong paniwalaan yan'...
- o 0 o -
Minsan ay may mga pagkakataong ang sarap baguhin ng kasaysayan. Parang isang pagkakataon kung saan, kinamot mo ang makati mong [obscene words not allowed], at narealize, na may sampung chicks pala sa harap mo na nakatingin kung paano mo pinapagaan ang nakakapanggigil na kati sa legendary weapon mo. O diba. Langyang moment yan. Kung kaya ko maglakbay sa nakaraan, babalik ako sa panahon kung kailan, bago pa lang natutong maglakad si baby Hitler. Pwede ko siya ipakain sa pating, at di man lang ako matatakot, ng kahit na katiting na
baka habulin ako ng mga alagad niyang Nazi. Kikidnapin ko din sila baby Hirohito, baby Saddam, at baby Bin Laden para i-train na maging big time boxers. Cool siguro panoorin magbakbakan sa ring ang mga fighters na to. Medyo nakakatakot nga lang kasi baka may isa sa kanila magpasabog ng bomba. Lagot ka Paqcuiao.
- o 0 o -
Minsan ang nakaraan ay parang multo ng isang minamahal - namimiss mo pero pag nakaharap mo ay pilit mo namang tatakasan; parang mga lumang love-letters mula sa pnaka mamahal
mong sy0ta na ayaw mo na maalala; parang mga pictures ng mga crush mo nung hiskul na nakatago, at iniingatan mo sa iyong mahiwagang drawer - mga pictures na tinitingnan mo 4times a week, at ginagawa mong kilig-source; parang mga petsa sa kalendaryo; mga salitang narinig o binigkas, na nakatatak na sa bawat ugat ng isang nagmamahal na puso; parang iloveyou na sana ay di mo na lang sinabi; parang hug na sa sobrang lamig ay kumikirot ang katawan mo hanggang sa buto; parang kiss na sobrang pait, nalalason pati ang kaluluwa mo. Minsan ang nakaraan ay parang isang palaisipan - isang puzzle ng nagkapat0ng2 na petsa, emosyon, mga maling desisyon, mga di nasagot na tanong.
Binuksan ko ang box ko kanina...
at andami kong itinapong mga basura...
Sweetdreams...
- - - - - - -
3:05 aM
- - - - - - -
No comments:
Post a Comment