Mga Batang Pala-away
I played alone a lot - i had a very few friends. i didnt like the way children in our community acted. they made fun of me, teased me, and fooled me. they always made me cry...
dati, nakitira kami sa isang subdivision. sa ganda ng lugar, parang naisip kong mayaman na din ako. sa totoo lang, muntik ko lang ung maisip. nang makilala ko na ang mga bata sa lugar... nagbago lahat. siyempre, mayayaman "talaga" ang mga bata dun. kakaiba sila. halos di sila lumalabas sa bahay. naglalaro lang sila ng PS, PC, at kung anu-ano pang laruan na mayayaman lang ang pwedeng humawak. di sila nagpapahiram ng laruan. di sila nakikipaglaro, at higit sa lahat, halos tingin nila sa mga walang laruan alipin. so naglalaro ako mag-isa. tumatakbo-takbo, tumatalun-talon, naglalakad-lakad ng mag-isa. siguro sira ulo tingin nila sakin nun. hehehe... ginagawan ako ni papa dati ng mga laruan ko. home-made. grabeh. si papa pastor pa nun. lagi siyang bakante nun.
minsan naman gamit ang utak ko, gumagawa ako ng virtual simulation. bigla akong nagiging power ranger, nasa tabi ko ang ibang rangers, tapos ang paligid ko, nagiging instant battlefield. ang libu-libong kalaban, nakapaligid sakin. pero di sila nakakalapit. malakas ako. hehehehe... ganun lagi ang nangyayari. pasigawsigaw, paakyat-akyat sa mga puno. pa lundaglundag. superhero ako. walang sinabi ang mga computer nila sa imagination ko. siyempre, lagi akong nadadapa, nahuhulog, bumabagsak, pero alam ko... wala talagang ibang rangers sa tabi ko. walang aalalay sakin. wala akong ibang maaasahan. walang ibang nasa paligid. ako lang mag-isa.
"its emotionally draining to work hard for people's favor, yet receive too little of their time and attention..."
» » »
sayang. minsan pag handa mo nang harapin lahat ng takot mo, napupurnada pa. hahayyy... siguro ganito talaga ang buhay ng isang bobong katulad ko. takot sa maraming bagay. atras-abante.
bakit kaya... minsan akala mo ok na ang lahat, pero bigla na lang mawawasak ang mga pangarap na ilang taon mo nang binubuo. minsan merong mga bagay na sobrang hirap talagang intindihin. bakit kaya nagiging KSP ang mga tao?
ang hirap magtiwala sa ibang tao. ang iba kasi, ang bilis magbago. ngayon ganito, bukas iba na. ilang ulit ko na ring napatunayan na maraming tao ang taksil... nasa paligid lang sila. isa pa. halos sanay na akong walang sinasabihan.
3 comments:
awww.. manoi... smile aron dili matiguwang dali! wahaha.. bitaw.. hehe.. amping permi ug ayo-ayo nganha!.. :)
awww.. manoi... smile aron dili matiguwang dali! wahaha.. bitaw.. hehe.. amping permi ug ayo-ayo nganha!.. :)
awww.. manoi... smile aron dili matiguwang dali! wahaha.. bitaw.. hehe.. amping permi ug ayo-ayo nganha!.. :)
Post a Comment