Friday, October 19, 2007

-kwento ng maganda kong paruparo- [naghahabulan ba tayo?]

may nakita akong paruparo na nilapitan ko...
di naman sya lumipad sa malayo paglapit ko...
cool! isang malaking black and blue butterfly! abot kamay ko nAH!
{ang ganda talaga... pwede ko kaya hawakan?}
{ANAK NG!!!}
lumipad ang btrfly nang akmang hahawakan ko na sya.
{WOW!!!}
madami pala sila! lumipad sya, pagkatapos, sinalubong sya ng mga kaibigan nya.
tatlo 'ata sila nun... puro magaganda...
tiningnan ko lang siya habang lumilipad papalayo...
mas gusto nya lumipad sa mataas...
di pwedeng lagi na lang sya nasa harap ko at nakatunganga...
marunong lumipad ang btrflies... ako hinde...
{BWAHBWAYUHHH!!! babay!!}
nakatayo lang ako dun ng matagal... nakatingin sa mga halaman...
naka tingin sa mga bulaklak na dati nyang dinapuan...
nasa isip ko pa rin ang ganda ng paruparo...
di ko sya kayang sundan dahil di kami magkapareho...
mas gusto nyang lumipad...

wala na ang maganda kong paruparo...

No comments: