Tuesday, October 23, 2007

dear diary, miss mo na ba ako? [puso vs. isip]

miss na ko ng mahal kong diary... mahal na mahal ko din yun...
dati, di ako napapagod ng kasusulat dun... ilang taon ko na nga yung inaalagaan eh...
pero ngayon, parang nakalimutan ko nang may diary pa pala ako...

{bakit?}

dati, ang saya2 namin ng diary ko... ang mga sinulat ko -

"what a nice day!!!
I never thought it would feel this good!!!
for the first time, someone seemed to..."

sa totoo lang, hanggang ngayon, napapangiti parin ako everytime
binabasa ko ang mga isinulat kong yun... mga alaala... di mo lang alam kung ano
ang handa kong ibigay mabalikan ko lang ang mga panahong yun...

ang gaganda ng mga isinulat ko nun... pero unti-unting nagbago lahat ng yun...
di na ko napapangiti... ang dating mga gud news, naging puro bad news...
mga hinanakit na di ko masabi, at di pwedeng sabihin sa mga taong
dapat kong pagsabihan... malungkot, masakit... T_T

"i didnt go to school today...
i hate that place...
Am i too hard to understand?
why are we so far from each other?"

napagod na akong sumulat...
joshua vs. joshua, puso vs. isip...

ang isa 'stay', ang isa 'go'... [nasubukan mo na ba to?]
isang malinaw na tanong. dalawang magulong sagot...
ang isa galing sa puso, ang isa sa isip...
ang papel, mainit... ang bolpen, nakikipagkarerahan sa mga salitang
mabilis na tumatakbo sa magulo kong isip... bawal magpahinga ang bolpen...
dahil sa isang iglap, pwedeng meron akong makalimutan...

binasa ko ulit ang mga isinulat ko sa mahal kong diary...
ang sama. pangit ang handwriting, at ang kwentong nakasulat,
nakakasira ng araw... naitanong ko sa sarili ko -
ba't ko pa ba to isinulat?

yun ang dahilan... ang dahilan kung bakit ko itinigil ang pagsusulat...
minsan nga naiisip ko... sana di ako tumigil sa pagsusulat sa diary ko...
[pwede ko yung ipadala sa mmk, o gawing ins(ex)piration in kaso maisipan kong
magsulat ng tula o kwento...]
naisip ko na ring itapon o sunugin ang diary ko... pero hindi... wag. naisip ko...

hanggang ngayon, umaasa pa rin ako...
umaasang sana, isang araw, makita ko na lang ang sarili ko
na lumulundag-lundag, nakangiti, papasok sa bahay, maghahanap ng bolpen,
at ipapagpag ang inaalikabok ko nang diary... pagkatapos ay magsusulat...

"mm/dd/yy
day
time

...at last..."

sana nga... sana...

1 comment:

Anonymous said...

delete this.hahaha:)) :P